𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠- Pormal nang nanumpa sa tungkulin bilang Interim Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) si 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗿𝗮𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗰𝘂𝗮, 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗶 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗵𝗼𝗱 𝗕𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗘𝗯𝗿𝗮𝗵𝗶𝗺.
Sa isang seremonyang dinaluhan ng mga opisyal at tagasuporta, tiniyak ni Macacua ang kanyang dedikasyon sa pagpapatuloy ng mga reporma at programa ng regional government. Subalit, sa kabila ng maayos na transisyon, hindi pa rin nawawala ang mga usapin at espekulasyon sa likod ng biglaang pagbabago sa liderato ng rehiyon.
Sa isang pahayag, mariing nilinaw ni Ebrahim na wala siyang isinumiteng resignation letter. "𝗕𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝘁𝗮𝗻𝘂𝗱𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝗺𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿," aniya, na tila nagpapahiwatig ng isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa pagpapalit ng liderato.
Bagama’t magkaalyado sina Macacua at Ebrahim sa ilalim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), may mga haka-haka na hindi naging ganap na kusang-loob ang transisyong ito. May ilang nagtataka-kung walang resignation letter si Ebrahim, 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠? 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻?
Sa ngayon, nananatiling tahimik ang ilang matataas na opisyal ng rehiyon ukol sa isyu, ngunit hindi maiiwasang magtanong ang publiko: 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗵𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻? 𝗠𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘄𝗲𝗿𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗶𝗺𝗽𝗹𝘂𝘄𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼? 𝗼 𝗱𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗮𝘆 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗠𝗜𝗟𝗙?
Habang pinagmamasdan ng taumbayan ang susunod na mga hakbang ng bagong Interim Chief Minister, isang bagay ang malinaw-hindi pa tapos ang kwento ng pulitika sa BARMM.
𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼, 𝗔𝗻𝘂 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝗱𝗶𝘁𝗼?
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...