|| 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔
Kinilala ang biktima na si Rizalinda Tulio, 36 anyos, isang nurse at residente ng Cotabato City.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-7 ng umaga nang tambangan si Tulio sa bahagi ng Oblates Drive, Brgy. Rosary Heights 7, habang siya ay paalis ng bahay upang pumasok sa duty. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.
Batay sa kuha ng CCTV, dalawang lalaki ang sangkot sa pamamaril. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Mariing kinokondena ng Kabataang Bangsamoro Team ang walang-awang pamamaril na ito. Hindi dapat targetin ang mga nagsisilbi sa bayan, lalo na ang mga healthcare workers na araw-araw ay nagsusugal ng buhay para sa kapakanan ng iba.
Nanawagan kami ng malalim na imbestigasyon at agarang hustisya para kay Nurse Tulio. Hinihikayat namin ang mga awtoridad na higpitan pa ang seguridad sa lungsod at wag magbulag-bulagan ang mga namumuno sa paulit-ulit na karahasang nangyayari sa ating paligid.
Panahon na para kumilos, hindi lang para manood.
Hustisya para kay Nurse Rizalinda Tulio!
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...