Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya sa Villanueva, Misamis Oriental, kung saan kanyang binigyang-kulay ang nursing scholarship bilang para lamang sa kababaihan at mas masaklap, para lamang umano sa “magaganda.”
Ang ganitong klase ng pananaw ay hindi lamang misogynistic kundi nagpapakita rin ng lubhang kawalang respeto sa dignidad ng bawat kabataang Pilipino, lalong-lalo na sa mga estudyanteng nagsusumikap abutin ang kanilang mga pangarap sa gitna ng kahirapan. Hindi dapat ginagawang sukatan ang kasarian o panlabas na anyo sa pagkakaloob ng edukasyon. Ito ay karapatan hindi gantimpala sa pisikal na anyo.
Bilang mga kabataang Bangsamoro, kami ay patuloy na lumalaban para sa isang lipunang makatarungan, inklusibo, at nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat. Hindi kami papayag na ang ganitong mapanirang pahayag ay balewalain. Ito ay insulto sa bawat kabataang babae, lalaki, at miyembro ng LGBTQIA+ na may pangarap na magsilbi at magtagumpay sa larangan ng propesyonal na serbisyo.
Nananawagan kami sa COMELEC at iba pang kinauukulang ahensya na imbestigahan ang insidenteng ito at magsagawa ng nararapat na aksyon. Ang isang lider na may ganitong klaseng pananaw ay hindi karapat-dapat sa posisyon ng pamumuno.
Hindi kami mananahimik. Ang edukasyon ay para sa lahat. Hindi ito dapat gamitin bilang laruan ng diskriminasyon.
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...