𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 - Nananawagan ng hustisya ang 92 guro mula sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos silang sapilitang mailipat sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE-BARMM) mula sa Schools Division of Cotabato (SDOC). Sa kabila ng kanilang pagsunod sa proseso, tatlong buwan na silang hindi nakakatanggap ng sahod, dahilan upang magdusa ang kanilang pamilya at mawalan ng benepisyo.
Ayon sa mga guro, inakala nilang mananatili ang kanilang plantilla item at papalitan lamang ang code mula SDOC patungong MBHTE-BARMM. Ngunit matapos nilang lagdaan ang paglilipat, doon na lamang nila nalaman na nabago na rin ang kanilang appointment at tuluyang nawala ang kanilang plantilla.
Bukod dito, nalaman din nilang hindi kasama ang kanilang mga pangalan sa payroll ng MBHTE-BARMM. Dahil dito, naapektuhan ang kanilang mga benepisyo sa PhilHealth, PAG-IBIG, at GSIS, pati na rin ang pagbabayad sa kanilang mga loan. Ilang ulit na silang dumulog sa MBHTE-BARMM upang humingi ng paliwanag, ngunit wala pa rin silang natatanggap na malinaw na sagot.
Umasa silang matatanggap na nila ang kanilang sahod pagsapit ng Enero, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapalabas. Kamakailan lamang, sinabihan silang posibleng ngayong Abril pa nila matanggap ang kanilang sahod, bagay na ikinadismaya ng marami sa kanila.
Iginiit ng mga guro na ang kanilang naranasan ay isang anyo ng pang-aapi at administratibong kapabayaan. Hinimok nila ang MBHTE-BARMM at iba pang kinauukulang ahensya na agarang solusyunan ang kanilang sitwasyon upang maibalik ang kanilang sahod at maayos ang kanilang estado bilang mga guro sa ilalim ng BARMM.
Anu ang masasabi mo ukol dito?
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...