𝗠𝗲𝗻𝗼𝗿 𝗱𝗲 𝗘𝗱𝗮𝗱, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆
Date Published: March 19, 2025

𝗠𝗲𝗻𝗼𝗿 𝗱𝗲 𝗘𝗱𝗮𝗱, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆

𝗣𝗮𝗴𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱 - Isang nakakasuklam na pangyayari ang naganap sa lungsod na ito matapos gahasain ang isang menor de edad na babae ng sariling biyenan. Ang biktima, si 𝗙𝗮𝗿𝗵𝗮𝗻𝗮 𝗔𝗴𝗼 𝗔𝗱𝗶𝗹𝗮𝗼, 15 taong gulang, ay ginahasa umano ng ama ng kanyang asawa, si 𝗦𝗮𝗶𝗱𝗮𝗹𝗶 𝗝𝗮𝗺𝗲𝗹 𝗔𝗺𝗲𝗿𝗶𝗹, na nasa mahigit 40 taong gulang.

Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kanyang asawa na si Hayan Ameril, 18 taong gulang. Dahil dito, pansamantalang umalis ng bahay si Farhana. Sa kanyang pagkawala, hinanap siya ng kanyang asawa kasama ang ama nito. Natagpuan ni Saidali ang biktima malapit lamang sa kanilang bahay at inalok itong ihatid sa kanyang mga kamag-anak. Sa pag-aakalang makakarating siya sa ligtas na lugar, sumama ang biktima.

Ngunit hindi sa kanyang mga kamag-anak dinala si Farhana. Bagkus, dinala siya sa isang pension house sa boundary ng Banali at Sto. Niño sa Pagadian City. Dito, pinasok sila sa isang silid kung saan sinimulang pagsamantalahan ng suspek ang menor de edad. Sa loob ng maraming oras, paulit-ulit na ginahasa ni Saidali ang bata. Matapos ang karumal-dumal na krimen, nagbayad pa ng panibagong silid ang suspek at iniutos sa dalawang trabahador ng hotel na doon patulugin ang biktima.

Kinabukasan, bandang alas-10 ng umaga, nakabalik si Farhana sa kanilang bahay. Dahil sa matinding takot at pagbabanta sa kanyang buhay, hindi niya agad nasabi ang nangyari. Ayon sa biktima, tinutukan siya ng baril ng suspek habang isinasagawa ang krimen at binantaan siyang papatayin kung magsusumbong. Nang tuluyang malaman ng kanyang pamilya ang buong katotohanan, agad na inireport ito sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugis ng pulisya kay Saidali Jamel Ameril at sa kanyang anak na si Hayan Ameril, na kasama niyang tumakas matapos lumabas ang katotohanan. Bukod sa panggagahasa, kilala rin umano ang suspek bilang isang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar.

Ang pamilya ng biktima ay nananawagan ng agarang hustisya para kay Farhana. Hinihikayat din nila ang publiko na ipakalat ang impormasyon upang mapabilis ang paghuli sa salarin. Sa gitna ng banal na buwan ng Ramadhan, hindi matanggap ng pamilya ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay sa kamay ng isang taong dapat ay gumagabay at nagpoprotekta sa kanya.

Sa sinumang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga salarin, hinihikayat na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga ito sa batas.

⚖️ 𝗛𝗨𝗦𝗧𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗙𝗔𝗥𝗛𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗗𝗜𝗟𝗔𝗢!

𝗜𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀?

Photo credited to Rizzan.

Related Articles

HELEN BENITO, NANGUNGUNA SA SURVEY PARA SA MAYOR SA SOUTH UPI AYON SA BARMM CITIZENS POLL
HELEN BENITO, NANGUNGUNA SA SURVEY PARA SA MAYOR SA SOUTH UPI AYON SA BARMM CITIZENS POLL

South Upi, Maguindanao...

Read More
 𝗣𝗮𝗴𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗘𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮: 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗶 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗡𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼
𝗣𝗮𝗴𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗘𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮: 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗶 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗡𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼

BARMM Citizens Poll Helps Voters Choose Rightful Local Leaders
BARMM Citizens Poll Helps Voters Choose Rightful Local Leaders

 

...

Read More
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝘄𝗮 || 𝗦𝗶 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗱𝗮𝗱𝗮𝘁𝘂 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝘄𝗮 || 𝗦𝗶 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗱𝗮𝗱𝗮𝘁𝘂 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

 
Read More
𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡
𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡



Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...

Read More
𝑵𝑼𝑹𝑺𝑬, 𝑩𝑰𝑵𝑨𝑹𝑰𝑳 𝑺𝑨 𝑪𝑶𝑻 𝑪𝑰𝑻𝒀
𝑵𝑼𝑹𝑺𝑬, 𝑩𝑰𝑵𝑨𝑹𝑰𝑳 𝑺𝑨 𝑪𝑶𝑻 𝑪𝑰𝑻𝒀


|| 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗡...

Read More
Senior Minister Leadership Turnover Ceremony, Isinasagawa Ngayon
Senior Minister Leadership Turnover Ceremony, Isinasagawa Ngayon

Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More

𝗠𝗮𝗰𝗮𝗽𝗲𝗴𝗲𝘀, 𝗡𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗻𝗼𝗴 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆, 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗯𝗼𝗹 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶 𝗔𝗹𝗶-𝗜𝗺𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗦𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗥𝗼𝘂𝗻𝗱?
𝗠𝗮𝗰𝗮𝗽𝗲𝗴𝗲𝘀, 𝗡𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗻𝗼𝗴 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆, 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗯𝗼𝗹 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶 𝗔𝗹𝗶-𝗜𝗺𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗦𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗥𝗼𝘂𝗻𝗱?

 Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...

Read More
𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗣𝗼𝗹𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗲𝘀: 𝗔 𝗧𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗥𝗮𝗰𝗲 𝗕𝗲𝘁𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗶𝗿𝘂𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗯𝗮𝘆 𝗘𝗻𝗱𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗩𝗼𝘁𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁
𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗣𝗼𝗹𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗲𝘀: 𝗔 𝗧𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗥𝗮𝗰𝗲 𝗕𝗲𝘁𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗶𝗿𝘂𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗯𝗮𝘆 𝗘𝗻𝗱𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗩𝗼𝘁𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁

The recently concluded  Read More

𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗱𝗮𝗱𝗮𝘁𝘂, 𝗨𝗺𝗮𝗽𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗣𝗼𝗹𝗹, 𝗠𝗮𝘀𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗧𝗮𝗹𝘂𝗻𝗮𝗻!
𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗧𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗱𝗮𝗱𝗮𝘁𝘂, 𝗨𝗺𝗮𝗽𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗣𝗼𝗹𝗹, 𝗠𝗮𝘀𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗧𝗮𝗹𝘂𝗻𝗮𝗻!



Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...

Read More