Sa isang emosyonal na pahayag ngayong Huwebes, Marso 20, inamin ni Bise Presidente Sara Duterte na hindi na muling makakabalik sa Pilipinas ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos itong arestuhin at litisin ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa crimes against humanity.
Ayon kay VP Sara, wala siyang galit o sama ng loob sa nangyari, lalo na sa dating kaalyadong si National Security Adviser Eduardo Año, na kasama umano sa mga nagplano ng pag-aresto sa dating pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Marso 11. Para sa kanya, walang saysay ang magtanim ng hinanakit sa mga sangkot dahil hindi na nito mababago ang sitwasyon.
"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘀𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀," pahayag ng Bise Presidente, sabay hikayat sa mga Pilipino na tanggapin ang nangyari at ipagpatuloy ang buhay.
Ngunit sa kabila ng panawagan niyang mag-move on, nanindigan siyang patuloy nilang hahanapan ng paraan upang maiuwi ang kanyang ama sa bansa. Ayon sa kanya, nais pa rin ng dating pangulo na bumalik sa pulitika at muling magsilbi bilang alkalde ng Davao City kung sakaling manalo sa eleksyon sa Mayo 12.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng iba't ibang emosyon sa publiko galit, lungkot, at pangungulila. Maraming tagasuporta ang nasaktan, habang ang iba naman ay nakikita ito bilang isang anyo ng hustisya.
𝗜𝘁𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻? 𝗗𝗶𝗯𝗮, 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀?
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...