Kami, ang 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠, ay lubos na nalulungkot at mariing kinukundena ang trahedyang naganap sa bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur, kung saan isang batang babae ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala habang nagsasagawa ng 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗵 𝗻𝗴 𝗘𝗶𝗱'𝗹 𝗙𝗶𝘁𝗿 kaninang umaga, Marso 31, 2025.
Nakilala ang biktima bilang si Bai Fatima Maguid, isang menor de edad at residente ng nasabing lugar. Habang nasa loob ng Mahad Buluan upang makiisa sa Congregational Prayer, isang hindi inaasahang insidente ang naganap nang isang bala ang tumama sa kanya mula sa pagpapaputok ng baril sa malapit na lugar.
Ayon sa impormasyon, may ilang indibidwal na nagpaputok ng baril bilang bahagi umano ng kanilang pagsalubong sa Eid'l Fitr isang paniniwalang walang batayan sa Qur'an at Sunnah. Sa kasamaang-palad, ang maling gawaing ito ay nauwi sa trahedya, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng inosenteng bata.
Sinubukan pang isugod ang biktima sa pagamutan, ngunit idineklarang wala nang buhay.
Sa Islam, walang batayan sa Qur’an o Hadith na nagsasaad na dapat magpaputok ng baril o anumang maingay na selebrasyon upang ipagdiwang ang Eid. Bagkus, ipinagbabawal ang anumang gawain na maaaring magdulot ng pinsala o panganib sa iba.
𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗶𝗹 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗶𝘁𝘂𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗜𝘀𝗿𝗮𝗳 (𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻) 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻.
Bilang mga kabataan ng BARMM, naninindigan kami na ang ganitong insidente ay isang malinaw na kapabayaan at maling interpretasyon ng ating pananampalataya. Ang Eid’l Fitr ay isang banal na araw ng pagpapasalamat at kapayapaan, hindi isang okasyon para sa mga gawaing maaaring makasakit o makapatay ng inosente.
Mariin naming kinukundena ang iligal na pagpapaputok ng baril at hinihimok ang mga awtoridad na magsagawa ng mas mahigpit na aksyon upang matigil ang ganitong mapanganib na kaugalian. Hinihiling din namin ang hustisya para kay Bai Fatima Maguid, na sa murang edad ay nawala ang buhay dahil sa kapabayaan ng iba.
Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan-nararapat lamang na protektahan sila, hindi hayaang maging biktima ng mga maling gawi.
Isang panawagan mula sa KABATAANG BARMM.
South Upi, Maguindanao...
Read More
Mariin naming kinokondena ang kamakailang pahayag ni Gov. Peter Unabia sa isang kampanya ...
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Senior Minister Leadership Turnover Ceremony Read More
Matanog, Maguindanao del Norte – Sa inilabas na Bangsamoro C...
Read MoreThe recently concluded Read More
Nag-uumapaw ang tiwala ng taumbayan kay Datu Teng Mangudadatu matapos niyang humakot ng b...